Mahigit P1 umento sa kada litro ng mga produktong petrolyo, nakaamba na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-anunsiyo na ang iba’t ibang kumpanya ng langis hinggil sa ipatutupad na taas presyo sa kanilang mga produkto.

Simula bukas, Hunyo 13, P1.20 ang umento sa kada litro ng gasolina habang nasa P1.40 naman ang umento sa kada litro ng diesel.

Alas-12:01 mamayang hatinggabi, epektibo ang oil price hike ng kumpanyang Caltex habang ala-6 naman ng umaga susunod ang mga kumpanyang Pilipinas Shell, SeaOil at PetroGazz.

Ganap na alas-4:01 naman ng hapon bukas, magpapatupad ng kaparehong taas presyo sa Gasolina at Diesel ang kumpanyang CleanFuel.

Samantala, may P1.30 na taas presyo ang mga kumpanyang Pilipinas Shell at Caltex sa kada litro ng kanilang Kerosene. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us