Mahigpit na seguridad sa Bayan ng Maimbung Sulu, ipinatupad sa harap ng tensyon sa Brgy. Bualo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapatupad ang mahigpit na seguridad sa bayan ng Maimbung sa lalawigan ng Sulu ngayon patuloy ang bakbakan ng puwersa ng pamahalaan laban sa kampo ni dating bise alkalde Pando Mudjasan.

Nagmitsya ang tensyon ng magsilbi ng warrant laban sa dating bise alkalde ang pinagsamang lakas ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG IX), 7 Special Action Battalion ng PNP SAF at 41st IB ng paulanan sila ng bala ng kampo ni Mudjasan.

Dahil dito, ipinag-utos na sa lahat ng unit ng kasundaluhan na maglatag ng mahigpit na checkpoint upang mapigilan ang posibleng pagpasok sa lugar ng karagdagang puwersa mula sa ibang panig ng Moro National Liberation Front (MNLF) bilang si Mudjasan ay MNLF Leader ng kampo sa Bualo, Maimbung.

Sugatan ang isang sundalo ng 41st IB, dalawang miyembro ng PNP SAF, apat na personnel ng Provincial Mobile Force Company ng Sulu PPO, at isang sibilyan na agad din nabigyan ng paunang lunas sa ilang pagamutan sa Jolo at kinalaunan ay dinala na din sa Zamboanga.

Samantala, hindi parin tukoy ang bilang naman ng nasagutan mula sa kabilang panig.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us