Malaking bahagi ng Caloocan City, mawawalan ng suplay ng tubig -Maynilad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming barangay sa Caloocan City ang mawawalan ng suplay ng tubig.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, may gagawing maintenance activities sa mga apektadong lugar simula bukas, Hunyo 5 hanggang 10.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang kostumer na mag-imbak ng sapat na tubig sa panahong nararanasan ang water interruption.

Tiniyak naman ng Maynilad na magdedeploy ito ng mga water tanker na handang maghatid ng tubig kung kinakailangan.

Kabilang sa mga maapektuhang lugar ay ang Barangay 117, 118, 119, 120, 22, 24, 27, 28 at 31.

Kasama ring makararanas ng kawalan ng tubig ang Barangays 159, 160, Navotas West, Sipac-Almacen, San Jose, Barangay 110, 111, 112, 113, 114, 115 at 116.

Apektado rin ang barangay Daang Hari mula Hunyo 8 hanggang 10. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us