Malawakang job fair ng DOLE, ilulunsad sa buong bansa sa Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming lugar sa bansa ang pagdarausan ng job fair kaugnay ng pagdiriwang ng ika-125 Araw ng Kalayaan, sa Hunyo 12, 2023.

Kaugnay nito, naglabas na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng listahan ng mga lugar na pagdarausan ng job fair na maaaring puntahan ng mga naghahanap ng trabaho.

Sa National Capital Region (NCR), maraming sangay ng isang mall ang binuksan para sa Job Fair kabilang ang Rizal Gymnasium sa Pasig City, Parañaque City Hall Gymnasium, at Vista Mall sa Taguig.

May mga bubuksan din venue sa CAR, Region 1 to 3, Region 5, 6, 7, 9 to12, CALABARZON, MIMAROPA, at Caraga Region.

Pinayuhan naman ng DOLE ang mga job applicant na magdala ng kinakailangang requirements para sa kanilang pag-aaplay ng trabaho. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us