Pinalawak pa ng Manila Water hanggang 7.6 milyon ang kanilang customer base sa East Zone.
Sa ngayon, mayroon na silang 8,247 bagong domestic at non-domestic water connections sa unang quarter ng taon.
Ito ay 40 percent na ng kanilang bagong water service connection target para sa buong taong ito.
Sa kabuuang bilang ng bagong connections, 8,052 dito ay residential at 195 naman ang commercial at industrial water connections.
Bunga nito, tumaas ang overall water service connections ng Manila Water sa 1,154,787 o may kabuuang 7,613,672 customers sa East Zone ng Metro Manila at Rizal Province, na mayroong 24/7 water supply at quality sanitation services.
Noong 2022, ang Manila Water ay mayroon lamang 7,460,705 customers na sineserbisyuhan.
Nagtala din ang Manila Water ng pagtaas ng kanilang sewer accounts, na may 2,816 bagong sewer connections noong Enero hanggang Marso 2023. | ulat ni Rey Ferrer