Ilan pang local government units sa Mindanao ang naghayag ng suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (#4PH) Program ng Pamahalaan.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) may limang LGUs sa rehiyon ang plano nang magtayo ng housing project para sa mahihirap na mamamayan.
Nakipagpulong na kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mga alkalde ng LGUs at pumirma sa Memorandum of Understanding.
Kinabibilangan ito ng LGU ng Malungon at Alabel sa Sarangani Province, Mlang at Aleosan sa North Cotabato at Surallah sa South Cotabato.
Nangako ang mga LGU na agad pasimulan ang land development planning upang makapaghatid ng disente at abot-kayang pabahay sa kanilang mga munisipalidad. | ulat ni Rey Ferrer