Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Marikina ng flushing operations sa Makirina Sports Complex bilang paghahanda sa pagho-host ng lungsod sa 2023 Palarong Pambansa.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, layon ng naturang flushing operations ay upang maalis ang mga debris o mga bato upang mailatag ng maayos ang tartan track sa naturang oval area, para ligtas na makatakbo ang mga atleta sa naturang sports activity.
Kaugnay nito ilang mga machineries na din ang ipinadala ng lungsod para sa mas mabilis na pagkumpuni ng ilang mga pasilidad sa Marikina Sports Complex at upang mabigyan ng maayos ay mas ligtas na sporting events na lalahokcsa palarong pambansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio