Marikina LGU, patuloy ang paghahanda para sa gaganaping 2023 Palarong Pambansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina para sa gaganaping 2023 Palarong Pambansa.

Ang Marikina Local Government, DepEd-National Capital Region, at Schools Division Office ng lungsod ang nakatakdang mag-host ng naturang scholastic multi-sport competition ngayong taon.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nagsagawa ng flushing operations sa oval track area ng Marikina Sports Center.

Ito ay upang alisin ang bato, buhangin, lupa, at iba pang debris bago ang paglalagay ng bagong rubber surface sa track.

Dagdag pa ng alkalde, patuloy ang mga ginagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan upang mas maging epektibo at mas ligtas ang tartan track para sa mga manlalaro.

Isasagawa ang 2023 Palarong Pambansa sa Lungsod ng Marikina simula July 29 hanggang August 5. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us