MARINA, ginunita ang Day of the Filipino Seafarer 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagkilala sa mga Pilipinong marino, ginunita ng Maritime Industry Authority o MARINA ang Day of the Filipino Seafarer 2023.

Sa isinagawa nilang programa sa Malate, Manila, sinabi ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na hindi lamang ito selebrasyon ng sakripisyo ng mga marino para tiyakin ang kaligtasan sa pagpapatakbo ng mga sasakyan pandagat.

Aniya, kinikilala rin ang kanilang larangan sa pangangalaga sa karagatan.

Dagdag ni Fabia, dapat mabigyan ng inspirasyon ang bagong henerasyon at ipaunawa ang kahalagahan ng seafaring.

Binigyang-diin niya na ang pag-aayos sa sistema sa maritime industry at pagtugon sa mga isyu na kinahaharap ng mga marino.

Isinagawa rin sa Manila ang panunumpa sa tungkulin ng mga harbor pilot, marine deck at engineer officers na sinundan ng donning of shoulder board ng mga marinong opisyal. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us