Mas mahigpit na Air Passenger Bill of Rights, isinusulong sa gitna ng mga flight cancellation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang mas mahigpit na polisiya sa air passenger right, para matugunan ang mga pagkansela at delay sa mga flight ng local airlines.

Giit ni Poe, ang public service issue na ito ay nangangailangan ng agarang solusyon bilang nakasalalay dito hindi lang ang karapatan ng mga pasahero kung hindi maging ang pangkalahatang epekto sa turismo ng Pilipinas.

Kaugnay nito, plano ni Poe na silipin ang pagtugon ng airline companies sa mga requirement na itinatakda ng kanilang prangkisa.

Ipinaalala ng mambabatas na alinsunod sa alituntunin sa prangkisa, obligasyon ng mga airline company na taon-taon ay magsumite ng report sa Kongreso kaugnay sa kanilang mga aktibidad.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Poe ang Civil Aeronautics Board na tungkulin nilang bantayan ang pagtugon ng mga kumpanya sa kanilang mga obligasyon. Mayroon aniyang penalties na katapat ang hindi pagtugon sa obligasayon ng mga kumpanya. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us