Nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalakas pa ng balikatan sa pagitan ng national government at Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), para sa pagsusulong ng economic development at national progress sa bansa.
“As in every mutually beneficial partnership, the Federation will rest assured that this Administration will continue to support this healthy relationship.” – Pangulong Marcos Jr.
Sa oath-taking ceremony ng mga opisyal ng (pederasyon) FFCCCII sa Malacañang, tiniyak ng pangulo ang suporta ng kaniyang administrasyon sa kooperasyong ito.
“This is a partnership that my Administration will continue to preserve, harness, and enhance, so that it may bring forth greater benefits for businesses, our citizens, and the country. We look forward to further deepening and strengthening that relationship, through continuing dialogues and amicable approaches,” — Pangulong Marcos.
Ipinangako rin ni Pangulong Marcos ang pakikinig sa mga concern ng business sector maging ang pagpapatupad ng iba pang hakbang, upang mapabuti pa ang business climate at pagni-negosyo sa bansa.
Sa naturang kaganapan, kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel na ginagampanan ng pederasyon para sa development ng Pilipinas.
“Furthermore, we convey our gratitude for the humanitarian efforts that has been extended and orchestrated in times of need, especially during the height of the pandemic,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan