Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga pinuno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at South Korea na pagtulungan ang pagsusulong sa kapayapaan, stability at pag unlad sa rehiyon.
Pinangunahan ni Romualdez ang delegasyon ng House of Representatives sa pagbubukas ng ASEAN-Korea Leaders’ Forum sa Jeju Island, Korea
Ang naturang pulong ay isang special program ng Jeju Forum for Peace and Prosperity kung saan nagkakasama ang mga parliamentarians at business leaders sa rehiyon.
“I look forward to substantive discussions on how we as a collective global community can ensure peace, stability, and prosperity in the region; as well as promote sustainable economic growth and enhance regional resilience, with a focus on energy and food security, among others,” saad ni Romualdez sa kaniyang mensahe.
Tulad sa mga nakaraang biyahe ng House leader, ay ibinida nito ang Pilipinas bilang investment destination.
Kaya naman binigyang diin nito ang pagpapahalaga ng bansa sa pangmatagalang kapayapaan at pagpapatupad ng reporma sa security sector na magreresulta sa economic development.
Naniniwala din kasi aniya ang Pilipinas sa pagkakaroon ng bukas na komonikasyon at kolaborasyon sa pagitan ng interparliamentary bodies upang tugunan ang iba’t ibang transnational at global threats.
Umaasa naman si Romualdez na mapapalakas ng forum na ito ang ugnayan ng mga kasaping bansa sa larangan ng green investment; equitable, and sustainable finance; operational efficiency of inter-parliamentary mechanisms; innovation, transfer, application, at development ng science and technology para sa regional growth and sustainable development, at pagkakaroon ng resilient supply chain.
“We still have ways to go and we will look to partners like the Republic of Korea and those present today in improving these initiatives, and in working together to make sure that the geopolitical challenges of today do not undermine the possible gains of our future. We hope this forum can serve as a bridge to connect the Philippines and the rest of the Southeast Asian region closer to our Asian and international partners,” saad ni Romualdez.
Sinamantala na rin ng House Speaker na ipaabot ang pagbati kay Kim Jin-pyo, Speaker of the National Assembly of the Republic of Korea (ROK) sa matagumpay na pagbubukas ng naturang forum. | via Kathleen Jean Forbes