Mas produktibong 2nd regular session, inaasahan na ng mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang ilang mambabatas na mas lalo pang magiging produktibo ang 2nd regular session ng 19th Congress.

Ayon kay Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo, patuloy lang nilang susundan ang kasipagan ng House leadership.

Aniya, sasabayan at susundan lang nila ang disiplina at kasipagan ni House Speaker Martin Romualdez upang mas epektibo nilang magampanan ang kanilang mandato bilang kinatawan ng mga Pilipino.

“The only politics Speaker Romualdez engages in is the politics of completion, the accomplishment of the legislative goals the Marcos administration set …Kaya nga napaka-productive ng House nung naging Speaker siya. He is not easily derailed by political distraction. ‘Yung pace at bilis niya ang sinusundan namin. At pag masipag at passionate ang Speaker lalo na sa pagpasa ng priority legislation, talagang napakaraming magagawa ang Kongreso,” ani Romualdo.

Kumpiyansa rin si Quezon Rep. Mark Enverga na mas lalo pang makikita at mararamdaman ng taumbayan ang pagsusumikap ng Mababang Kapulungan na mapagbuti ang kalagayan ng kanilang mga buhay.

Matatandaang pinangunahan ni Enverga, bilang chair ng House Committee on Agriculture ang imbestigasyon sa sibuyas cartel sa bansa.

Dahil sa pagsisiyasat na ito ay nabunyag ang pinakamalaking onion cartel na dahilan ng pagsipa sa presyo ng sibuyas ng hanggang P700 kada kilo.

Kaya naman asahan aniya na magpapatuloy ang ugnayan ng ehekutibo at lehislatura para protektahan ang mga Pilipino mula sa mapagsamantalang mga grupo.

“And the House, under the guidance of Speaker Romualdez, has a strong synergy with President Marcos and his administration. I hope we could maintain that and continue to be effective in our objectives, such as passing priority legislation of the President. Speaker Romualdez is taking the high road. He is even urging us to be more productive as the 2nd Regular Session of Congress draws near. And I fully agree: we have to focus our eyes on the prize, which is working for the welfare of our constituents, the Filipino people.” Ani Enverga.

Ang second regular session ng Kongreso ay magbubukas sa July 24. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us