Masagana Rice Industry Development Program, suportado ng NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng buong suporta ang National Irrigation Administration (NIA) sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) na layong maabot ang tina-target na rice sufficiency sa bansa.

Matatandaang kamakailan lang ng pangunahan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang isinagawang Convergence Meeting sa tanggapan ng NIA kung saan binigyang din nito ang prayoridad na mapalago ang produksyon ng agrikultura sa bansa.

Kasunod nito, nangako naman si NIA Acting Administrator Engr. Eddie G. Guillen na committed ito sa kanilang mandato na maghatid ng sapat na irigasyon para masuportahan ang mga magsasaka.

Tiniyak rin nito ang patuloy na pagtataguyod nila ng irrigation infrastructure projects sa buong bansa para mai-angat ang agricultural sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷:NIA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us