MATATAG Agenda, sentro ng pagdiriwang ng 125th founding anniversary ng DepEd ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Education na maghahanda ito ng mga programa at aktibidad bilang selebrasyon ng ika-125 taong founding anniversary ng kagawaran ngayong Hunyo.

Batay sa DepEd Memorandum Number 32, series of 2023, sesentro ang pagdiriwang sa temang “Isang Pamilya para sa MATATAG na Kagawaran”.

Bahagi ito ng commitment ng DepEd na suportahan ang MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa education agenda.

Sinabi ng DepEd na nakatutok din ito sa paghahatid ng dekalidad na basic education sa mga Pilipino sa paraang accessible, inklusibo at malaya.

Isasagawa ang week-long celebration sa June 19 hanggang 23 at kabilang sa mga programa ang Thanksgiving Mass at National DepEd Chorale Competition. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us