Naipapatupad ng bayan ng Panglima Tahil sa lalawigan ng Sulu ang matiwasay na halalan sa loob ng mahigit sampung taon.
Ayon kay PLt Roselyn Del-Is, Officer In-Charge ng Panglima Tahil Municipal Police Station, simula pa noong taong 2010 matiwasay na ang halalan sa naturang islang bayan, walang katunggali ang mga kandidato sa kani-kanilang posisyon dahil sila ay nagbibigayan matapos ang termino at ginagalang ng bawat isa mula barangay opisyal hanggang sa opisyal sa mga munisipyo.
Umaasa siya ani Del-Is, na magtuloy-tuloy na ang ganitong sitwasyon sa darating pang mga taon, at kung sakali na mayroong mang bagong tatakbong kandidato ay maging maayos pa rin ang halalan.
Pagbabahagi ni Del-Is, bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre, ngayon pa lamang nagsasagawa na ang Sulu Police Provincial Office ng threat assessment sa mga halal na opisyal ng gobyerno kung saan aniya, walang kaaway sa ngayon ang lahat ng mga nakaupong opisyal sa naturang lugar.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo