Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ito ay matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng ‘increasing unrest’ sa bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, mula pa noong huling linggo ng Abril ay na-monitor na ang pagtaas ng rockfall events mula sa Mayon Volcano lava dome.
Katunayan, mula sa average na 5 rockfall kada araw ay umakyat ito sa 49 rockfall events per day as of June 5.
Aabot na rin sa 318 rockfall events ang naiula ng Mayon Volcano Network mula Abril 1.
Bukod dito, umakyat na rin sa 26 ang na-monitor na volcanic earthquakes at mataas rin ang sulfur emission sa bulkan.
Kaugnay nito, pinayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng ‘phreatic o magmatic eruption’ sa bulkan.
Patuloy ring ipinaalala sa publiko na bawal ang pumasok sa 6 kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ) para maiwassn ang banta ng biglaang pagsabog, rockfall at landslides. | ulat ni Merry Ann Bastasa