Mayor ng Bonifacio, Misamis Occidental, sinuspinde ng 60 araw dahil sa katiwalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatawan ng 60 days suspension ng Sangguniang Panlalawigan ng Misamis Occidental ang alkalde ng bayan ng Bonifacio.

Ito’y matapos madiskubre ng Sangguniang Panlalawigan ang umanoy pinasok na maanomalyang kontrata ni Mayor Samson Dumanjug kaugnay sa pagbili ng mga second-hand na equipment.

Base sa mga documentary evidence na iprinisinta, bumili umano si Mayor Dumanjug ng isang 2nd-hand na amphibious excavator na nagkakahalaga ng P29,995,000 gayong nasa P17,892,000 lamang ang actual price nito.

Bumili rin daw ang alkalde ng garbage compactor truck na nagkakahalaga ng P7,495,495 gayong nasa P2,850,000 lamang ang actual price.

Ngunit nang isisilbi na ng Provincial Government ng Misamis Occidental ang 60 days suspension ay hindi daw ito tinanggap ng alkalde.

Namalagi umano si Mayor Dumanjug at ang asawa niyang Vice Mayor sa munisipyo kung kaya’t hindi naisilbi ng mga pulis ang naturang suspension.

Inatasan naman ni Gov. Henry Oaminal ang First Councilor na si Ricky Bulacan na umaktong Mayor at si Councilor Alberto Cuizon bilang Acting Vice Mayor sa loob ng 60 araw. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us