Nagkaisa ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Albay na magtayo ng vegetable community pantry sa Provincial Campsite sa Basag para sa mga bakwit ng Mayon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), layon ng community pantry na suportahan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Ginagawa nila ito sa gitna ng tumitinding pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Nagmula pa ang 4Ps beneficiary sa mga Barangay Sta. Cruz, Guilid at Mahaba sa Ligao City.
Ang mga benepisyaryo ay nag-aalok ng libreng gulay sa mga evacuee na nagmula sa kanilang umiiral na communal garden.| ulat ni Rey Ferrer