Limitado na lang sa apat na baybaying dagat sa Visayas at Mindanao ang apektado ng toxic red tide.
Ito’y batay sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ayon kay BFAR Director Demosthenes Escoto, ang mga baybaying dagat na nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison ay ang Dauis at Tagbilaran
City sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur,at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng BFAR at LGU ang paghango at pagkain ng anumang uri ng shellfish, alamang at iba pang lamang dagat sa mga nasabing baybaying dagat.
Pero,ligtas namang kainin ang mga isda ,pusit, hipon at alimango basta’t linisin lamang ng mabuti bago iluto.
Samantala, nanatili namang ligtas sa toxic red tide ang mga baybaying dagat ng Cavite, Las Piñas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan sa Manila Bay. | ulat ni Rey Ferrer