Mga dahilan para mapaalis ang mga POGO sa bansa, mas tumibay — Sen. Sherwin Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na mas lumakas ang mga dahilan para paalisin ng gobyerno sa Pilipinas ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kasunod ng mga natuklasang kriminal na aktibidad na ginagawa ng ilang lisensyadong POGO companies, gaya ng human trafficking at cryptocurrency scam.

Ayon kay Gatchalian, ang ganitong mga iligal na aktibidad ng mga POGO ay kahihiyan sa ating bansa dahil ginagawa nilang isang scam hub ang Pilipinas.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos ang naging imbestigasyon ng senado tungkol sa kaso ng human trafficking sa Clark, Pampanga.

Mahigit isang libong dayuhan na naging biktima ng human trafficking ang nasagip sa naging raid sa opisina ng CGC Technologies, Inc., na isang lisensyadong POGO service provider.

Giit ng senador, dahil sa natuklasang ginagawang front ng mga masasamang loob ang mga POGO para gumawa ng organisadong krimen ay mas tumatag ang kanilang pasya na ipagbawal ang operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Sa ginawang pagdinig rin aniya ay nakita na hindi napipigilan ng PAGCOR ang mga maling gawain ng mga POGO.

Giniit ng mambabatas na kung patuloy na mananatili sa bansa ang mga POGO ay hindi malayong dumami pa ang mga krimen na kasasangkutan nila. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us