Nagsagawa ng Run After Contribution Evaders (RACE) ang Social Security System (SSS) ngayong araw sa lungsod ng Pasig at bayan ng Cainta, Rizal ngayong araw.
Nasa siyam na na employer ang nabigyan ng notices ngayong araw kung saan P4.54 milyong halaga ng deliquencies ng mga employer ang hindi nahulugan na kanilang buwanang kontribusyon ng nasa 38 empleyado.
Sa naturang halaga aabot sa P2.15 million ang kabuuang penalty ng siyam na deliquent employers.
Samantala muling paalala ng SSS sa mga naturang employers na maaring namang kumuha ng kanilang condonation program upang hindi na magbayad ng napakalaking penalties ang mga ito. | ulat ni AJ Ignacio