Mga hakbang ng pamahalaan sa pag-protekta sa mga turista, tinalakay sa UN meeting sa Cambodia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ni Tourism Secretary Christina Frasco ang mga hakbang ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Marcos na protektahan ang mga turista sa isinagawang high-level discussion meeting ng United Nations World Tourism Organization sa Phnom Penh, Cambodia.

Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ng kalihim ang mga karanasan ng bansa sa pagtugon nito ng crisis management at emergency response, pati ang mga polisiya at proactive measures ng pamahalaan na makapaghanda sa mga nasabing sitwasyon.

Sinabi rin ni Frasco na gumawa ang kagawaran ng isang Tourism Disaster Risk Reduction and Management Operations Manual upang magsilbing comprehensive reference sa tourism disaster management, kasama ang risk assessment, preparedness, prevention at mitigation, response, recovery, at mga istratehiya.

Inaasahang mailababas ngayong taon ang nasabing Tourism Manual. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us