Dumating na sa Calapan Pier, Oriental Mindoro ang mga heavy equipment at kagamitan ng Firehorse Construction Services na tutulong sa pagsasaayos ng mga ilog sa lalawigan.
Ayon kay Governor Bonz Dolor, biyayang maituturing ang pagdating ng Firehorse Construction Services sa OrMin.
Dala-dala ang mga makinarya, kagamitan, gasolina, langis at mga tao, buong puso silang tutulong sa pamahalaang panlalawigan sa pagpapalalim ng mga ilog upang maiwasan ang pagbaha.
Noong May 31, lumagda sa kasunduan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at Firehorse Construction Services (FCS).
Bilang bahagi ng corporate social responsibility (CSR) ng FCS, tutulong sila sa programa sa pagpapalalim ng ilog.
Nilinaw ng gobernador, na walang anumang bayarin ang provincial government at lalong walang kapalit sa tulong na ipagkakaloob ng nasabing kumpanya l via Leonie Algire|RP Lucena
Photos: Governor Humerlito “Bonz” Dolor