Mga kabataang Pilipino, hinamon ni Pangulong Marcos Jr. na pagbutihin ang pag-aaral, pagsisilbi sa komunidad, at pagtulong sa mga nangangailangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang mga kabataan ang pag-asa ng bansa, lalo at sa hanay ng mga ito aniya magmumula ang mga susunod na lider ng Pilipinas.

“Buo ang paniniwala ko na ang mga kabataan ang pag-asa ng ating Inang Bayan kaya naman hinahamon ko ang mga kabataan na pag-ibayuhin ang inyong pag-aaral, pagsilbi sa komunidad, at patuloy na pagtulong sa nanangangailangan.” — Pangulong Marcos Jr.

Pahayag ito ng Pangulo, kasabay ng selebrasyon ng Araw ng mga Kabataang Pilipino.

“Isang mainit na pagbati sa mga kabataang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kabataang Pilipino tulad ng ating mga ninuno.” — Pangulong Marcos

Dahil dito, hinahamon ng Pangulo ang mga kabataan na pagbutihin ang kanilang pag-aaral, pagsisilbi sa kanilang komunidad, at patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan.

“Kaya naman hinihikayat ko kayo na pagyamanin ang inyong mga talino at talento sapagkat sa hinaharap, aasahan namin ang inyong pakikiisa sa pagbuo ng isang mas maganda, mas masagana at mas matatag na Pilipinas.” — Pangulong Marcos

Sila naman aniya sa pamahalaan, patuloy na isusulong ang kapakanan ng mga ito. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us