Mga komunidad sa bisinidad ng EDCA sites sa Cagayan at Isabela, makikinabang sa ₱65-M grant ng USAID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ng mga grant na nagkakahalaga ng mahigit 65 milyong piso ang United States Agency for International Development (USAID) para suportahan ang energy security at conservation sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ang mga grant ay ipinagkaloob ni USAID Assistant Administrator for Asia Michael Schiffer sa mga Filipino partner organization na Tri-Sky Inc. at Philippine Disaster Resilience Foundation.

Ang mga naturang grant ay bahagi ng 34 milyong dolyar o 1.6 bilyong piso na Energy Secure Philippines program ng USAID.

Gagamitin ang mga grant para sa pagpa-plano at installation ng renewable energy technologies tulad ng solar roofing at nano-generator.

Ayon sa USAID, sa pamamagitan ng mas malawak na “access” sa enerhiya, ang mga liblib na komunidad sa Cagayan at Isabela ay magiging mas matatag at mas mabilis na makaka-rekober sa mga natural na kalamidad.

Kasama din sa mga makikibabang sa mga grant ang mga komunidad sa bisinidad ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa Lal-lo at Santa Ana, Cagayan. | ulat ni Leo Sarne

📷: US Embassy

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us