Nilinaw ni Senate Majority Leader Joel Villanueva 10-year prescription period para sa mga krimen na tinutukoy sa ilalim ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill ang mananaig sa pinal na bersyon ng panukala.
Ito ang sagot ni Villanueva sa mga tanong tungkol sa dalawang magkasunod na probisyon sa inaprubahang bersyon ng MIF na naglalaman ng magkaibang prescription period, ang isa nagtatakda ng 10 years at ang isa ay 20 years.
Ayon sa majority leader, nagpadala ng liham si MIF bill sponsor Senador Mark Villar kay Senate President Juan Miguel Zubiri para linawin ang 10 -year prescription period ang dapat lamanin ng pinal bersyon ng panukala.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa kongreso ang MIF bill at sumasailalim pa sa finishing touches, tulad ng paglilinis ng typographical errors sa panukala.
Inaasahan aniyang ngayong linggo ay maisusumite na ito sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ualt ni Nimfa Asuncion