Mga kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-anunsiyo na ang iba’t ibang kumpaniya ng langis ng kanilang ipatutupad na rollback sa kanilang mga produkto bukas, Martes, Hunyo 20.

Batay sa anunsiayo ng Pilipinas Shell, SeaOil, CleanFuel at PetroGazz, P0.35/liter ang rollback nila sa kada litro ng Gasolina, P0.10/liter naman sa Diesel habang P0.30/liter sa Kerosene.

Unang magpapatupad ng oil price adjustment ang CleanFuel epektibo alas-12:01 ng hatinggabi na susundan naman ng Shell, SeaOil, PetroGazz, Phoenix at Jetti Petroleum dakong alas-6 ng umaga.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang panibagong rollback na ito sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod na rin sa malikot na presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us