Umabot sa 5,626 examinees ang kumuha ng Basic Competency on Local Treasury Examination nitong nakalipas na Linggo.
Ang nasabing bilang, ayon kay Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles ay kumakatawan sa 83.62% ng kabuuang bilang ng aplikanteng nagparehistro para sa pagsusulit sa buong bansa.
Batay sa ulat mula sa CSC Examination, Recruitment, and Placement Office, ang Northern Mindanao (Region 10) ang tumanggap ng pinakamataas na bilang ng examinees na may 797 candidates mula sa 961 na nagparehistro.
Nakapagtala ito ng turnout rate na 82.93%, na sinundan ng Davao Region (Region 11) na may 491 examinees at 87.37% turnout rate.
Sinabi pa ng CSC-ERPO na naging maayos at organisado ang isinagawang pagsusulit sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer