Mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon, ililipat sa Muntinlupa City Hall sa darating na Linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na ibuburol ang labi ng namayapang dating Senador Rodolfo Biazon sa Muntinlupa City Hall sa Linggo, June 18.

Sa kanyang Facebook Live, sinabi ng alkalde na marami ang humiling na makita ang labi ng kanyang ama sa huling pagkakataon at magkaroon ang mga Muntinlupeño ng pagkakataon na makapagpaalam.

Si Biazon ay nagsilbi ring kinatawan ng Muntinlupa mula 2010 hanggang 2016.

Ang public viewing sa City Hall ay magsisimula ng alas-10 ng umaga.

Sa Lunes, June 19, ay nakatakda namang ilipat sa Senado ang labi ng namayapang dating senador para sa isang necrological service ng alas-10 ng umaga at magtatagal ang public viewing hanggang alas-3 ng hapon.

Pagkatapos nito ay gagawin ang huling burol sa Holy Child Chapel sa headquarters ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio kung saan magsisimula ang viewing ng alas-5 ng hapon.

At pagsapit naman ng June 20 magkakaroon ng misa ng alas-8 ng umaga bago dalhin ang labi ng namayapang senador sa huling himlayan nito sa Libingan ng mga Bayani na sisimulan sa pamamagitan ng isang martsa sa ganap na alas-11 ng umaga.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us