Mga LGU, pinatutulong sa pagbuo ng database ng mga senior citizen

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang DSWD at National Commission of Senior Citizens sa pagbuo ng database ng mga senior citizen sa bansa.

Ayon sa mambabatas, malaki ang maitutulong ng naturang database sa pagbuo ng mga polisiya para sa kapakanan ng mga senior citizen.

Halimbawa na lamang aniya ang P1,000 na buwanang financial subsidy sa ilalim ng RA11916 o Social Pension for Indigent Seniors Act.

Sa tinatayang 12.3 million senior citizen, nasa 4 million ang bibigyan ng naturang buwanang pensyon.

Ngunit sa kasalukuyan ayon sa NSC hanggang noong June 18 ay nasa 2,032 million senior citizen pa lamang ang nairerehistro sa database.

“I am appealing to our local executives to help the DSWD and NCSC establish the national database for an estimated 12.3 million seniors, given the urgency of identifying and getting an accurate number of elderly Filipinos, particularly those who are eligible to receive the higher monthly subsidy of P1,000 under RA 11916,” sabi ni Villafuerte.

Sa ilalim ng naturang batas, inaatasan ang DSWD at NCSC na i-update at i-validate ang listahan ng mga senior citizen at ang mga tumatanggap ng social pension. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us