Mga magsasaka at dating rebelde sa Occidental Mindoro, pinagkalooban ng lupain ng DAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 330 magsasaka kabilang ang mga dating rebelde sa Occidental Mindoro ang pinagkalooban ng Certificate of Land Ownership Award ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Nasa 258 dito ay mga agrarian reform beneficiary na sumasaklaw sa 263.9 ektaryang lupain na dating pag-aari ng Golden Country Farms Inc. sa Barangay Balansay at Tayaman sa Mamburao.

Habang 72 ARB na sumasaklaw sa 325 ektarya ng lupa ang pinagkalooban ng Certificate of Land Ownership Award sa ilalim ng proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT).

Sinabi ni Department of Agrarian Reform Undersecretary for field operations Kazel Celeste,

halos 30 taon nang nakikipaglaban ang mga magsasaka para makuha ang mga sinasakang lupain.

Tumanggi umano ang may-ari ng Golden Country Farms Inc. na isailalim ang mga lupain nito sa CARP.

Aniya, ang mga rebel-returnee naman na binigyan ng lupain ay dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA). | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us