Mga nagawa sa nakalipas na isang taon at dapat pang gawin ng administrasyon, lalamanin ng ikalawang SONA ni PBBM sa susunod na buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Template ng nakatakdang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging accomplishment ng kanyang liderato sa nakalipas na isang taon at mga dapat pang tapusin para sa ikalawang taon ng kanyang panunungkulan sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ilalahad niya sa sambayanan kung ano na ngayon ang estado ng bayan makalipas ang isang taon na siya’y humarap sa taumbayan para sa kanyang unang SONA.

Mula dito sabi ng Pangulo ay kanyang maikukumpara kung ano ang nangyari sa mga binitiwan niyang salita sa kanyang unang State of the Nation Address.

Sa harap nito’y kumpiyansa ang Presidente na mayroon siyang maipapakita sa mga Pilipino na kanyang nagawa na lalamanin ng kanyang pag- uulat sa bayan sa darating na July 24.

Sa ngayon sabi ng Chief Executive ay patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa kanyang ilalahad na report card sa sambayanan sa susunod na buwan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us