Mga nagparehistro ng sim card, halos 100 milyon na — NTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa halos 100 milyon ang bilang ng mga SIM card na rehistrado na hanggang nitong linggo, June 18.

Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission o NTC, katumbas na ito ng 59.42% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.

Mula sa bilang na ito, 47.1 milyon na ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 71.14% ng kanilang subscribers.

45.7 milyon naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 52.77% ng kanilang subscribers habang umakyat na rin sa 6.8 milyon ang nakarehistrong sim sa DITO Telecommunity.

Una nang iniextend ng Department of Information and Communications (DICT) ang sim registration sa bansa hanggang sa July 25.

Ang mga bigong makakapagrehistro ay otomatikong madedeactivate ang SIM at hindi rin makakagamit ng digital apps at iba pang online services na mangangailangan ng two-step verification. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us