Umabot na sa 100 milyon ang bilang ng mga SIM card na nairehistro hanggang nitong June 20, 2023.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC), kung saan umabot na sa 100,048,884 ang rehistradong SIM cards.
Katumbas ito ng 59.55 percent sa kabuuang mahigit 168 milyong subscribers sa bansa.
Target naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na mairehistro ang 70 percent ng kabuuang bilang ng subscribers.
Matatandaang pinalawig ng DICT ang SIM registration hanggang sa July 25.
Ang mga bigong makakapagrehistro ay awtomatikong made-deactivate ang SIM, at hindi rin makakagamit ng digital apps at iba pang online services na mangangailangan ng two-step verification. | ulat ni Diane Lear