Mga naiwang anak ng mga OFW, pinabibigyang proteksyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ni OFW Partylist Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino na bigyang proteksyon ang mga naiwang anak ng mga OFW.

Sa ilalim ng inihain nitong House Bill 8560, titiyaking hindi mapapabayaan ang mga anak ng mga OFW habang sila ay nagta-trabaho sa ibang bansa.

Nakapaloob dito na ang isang solo-parent, mag-asawa, o live-in partner na parehong aalis ng bansa para magtrabaho abroad ay magbibigay ng dokumento na nagsasaad sa kung sino ang mag-aalaga sa kanilang anak o mga anak.

Bibisitahin naman ng Department of Social Welfare and Development at opisyal ng barangay ang naturang guardian o tagapangalaga upang matiyak na maayos na naaalagaan ang mga bata.

Nag-udyok sa lady solon para ihain ang panukala matapos masawi ang apat na anak ng isang OFW noong Marso matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na nagpakamatay din pagkatapos.

Isang hiwalay na insidente naman noong November 2022 kung saan pinatay at ginahasa ng kinakasama ng OFW ang kaniyang dalawang anak, habang siya ay nasa Middle East.

“The urgency for this legislation arises from the vulnerability of children, particularly minors, to various forms of violence, exploitation, and abuse that may occur in their surroundings when their single parent or both parents are toiling hard abroad,” diin ni Magsino. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us