Ipinagmalaki ng Department of Tourism (DOT) na aabot sa mahigit limang milyong trabaho na may kinamalan sa turismo ang nalikha.
Ito ayon kay Tourism Secretary Ma. Christina Frasco ay bunga ng halos P2 trilyong kita ng Pilipinas mula sa tourist arrivals, at ang gumagandang lagay ng turismo sa bansa.
Ayon sa Kalihim, magandang regalo ito ngayong ipinagdriwang ng kagawaran ang kanilang ika-50 anibersaryo ngayong taon.
Magugunitang nahalal kamakailan si Frasco bilang Pangalawang Pangulo ng United Nations World Tourism Organization (UNWTO).
Dahil dito, sinabi ng kalihim na magsisilbing inspirasyon ito sa kagawaran upang matupad ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na maging tourism powerhouse ang Pilipinas, hindi lamang sa Asya kung hindi sa buong mundo. | ulat ni Jaymark Dagala