Mga nuisance candidate, ipinapanukalang pagmultahin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na pagmultahin ang nuisance candidates.

Diin ng presidential son sa paghahain ng panukala, ginagamit lamang ng ilang mga politiko ang mga indibidwal na kapangalan ng katunggali sa eleksyon para maghain ng certificate of candidacy para lang manggulo sa halalan.

“More often than not, they have no bona fide intention to run for public office, but they have filed their candidacy anyway simply to derail the political aspiration of opposing politicians,” ani Marcos.

Sa ilalim ng House Bill 8415, aamyendahan ang Omnibus Election Code at dadagdagan ang grounds ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbasura ng isang certificate of candidacy (COC).

Kung mapatutunayan sa isasagawang pagdinig na nais lang paglaruan o gawing katatawanan ang halalan, lituhin ang mga botante dahil kapangalan nito ang isang lehitimong tumatakbo, kumita o tumanggap ng kapalit sa kanyang pagtakbo ay otomatikong kakanselahin ang kanilang COC.

Maliban pa ito sa P50,000 multang ipapataw sa nuisance candidate. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us