Mga online shopping platform, pinagpapaliwanag ng DTI dahil sa mapanlinlang na pagbebenta ng mga produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Department of Trade and Industry o DTI Sec. Alfredo Pascual ang 2 malalaking e-commerce platform o online shopping app na Shopee at Lazada na magpaliwanag.

Ito’y ayon kay Pascual ay matapos makarating sa kaniya ang kaliwa’t kanang reklamo hinggil sa hindi magandang serbisyo ng mga naturang online shopping application.

Sinabi ng Kalihim, kabilang sa mga natatanggap niyang reklamo ay ang paglipana ng mga scammer kung saan, nag-aalok ito ng mga mapanlinlang, hindi patas, hindi makatuwiran at hindi makatarungang pagbebenta ng produkto.

Dahil dito, sinabi ni Pascual na mayroong 72 oras ang 2 higanteng online shopping app upang ipaliwanag kung bakit naglipana sa kanilang platform ang mga scammer na aniya’y nakasisira sa kredibilidad ng e-commerce sa bansa.

Kasunod nito, sinabi rin ng Kalihim na kanilang paiigtingin ang kanilang kampaniya kontra sa mga mapanlinlang na pagbebenta ng produkto at tiniyak nito sa publiko na kanilang itataguyod gayundin ay ipaglalaban ang karapatan ng mga konsyumer. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us