Makatatanggap ng P3,000 aniversary bonus ang mga opisyal at empleyado ng Department of Education (DepEd) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng kagawaran.
Ito ay matapos aprubahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbibigay ng anniversary bonus.
Batay sa inilabas na Department Order, kabilang sa mga opisyal at empleyado ng DepEd na makatatanggap ng bonus ay ‘yung may isang taon na sa serbisyo.
Ipamamahagi ang anniversary bonus simula sa June 23, na araw ng pagkakatatag ng DepEd.
Hindi naman kasama sa mabibigyan ng bonus ang mga opisyal at empleyado na nag-absent without leave o AWOL, nahatulan at may kaso na may kaugnayan sa kanilang trabaho, mga consultant, contract of service, at job order. | ulat ni Diane Lear