Mga pag-ulang dulot ng habagat, nakadagdag sa lebel ng tubig ng mga dam sa Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang umakyat ang antas ng tubig sa mga dam sa Luzon matapos ang mga pag-ulan sa magdamag na epekto ng hanging Habagat.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay umakyat sa 187.52 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.

Nadagdagan ito ng 8 sentimetro kumpara sa naitala kahapon na 187.44 meters.

Maging ang Ipo Dam ay nadagdagan din ng apat na sentimetro kaya umakyat sa 99.47 meters ang lebel nito.

Malaki naman ang naidagdag sa antas ng tubig sa Caliraya Dam, Ambuklao, Binga, at La Mesa Dam.

Bahagya ring nadagdagan ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan, at Magat Dam.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us