Dumadami na ang Filipino fishermen na nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Pahayag ito ni Philippine Navy Vice Admiral Alberto Carlos sa gitna ng pagpapalalakas ng presensya at pagpapatrolya ng pwersa ng pamahalaan sa mga karagatang sakop ng bansa.
Sa ganitong paraan aniya, mapuprotektahan ng pamahalaan ang mga mangingisda kasabay ng pagbabantay sa teritoryo nito.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na patuloy rin sila sa panghihikayat sa mga mangingisdang Pilpino na pumalaot at maglayag sa West Philippine Sea.
Nagiging katuwang kasi aniya nila ang mga ito sa pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa lugar. | ulat ni Racquel Bayan