Mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer PDZ ng bulkang Mayon, kailangang maging handa sa paglikas sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs) ang mga residente na nakatira sa loob ng 8-kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Phivolcs OIC Dr. Teresito Bacolcol, na kailangang maging handa ng mga residente doon sa paglikas, sakaling itaas sa Alert Level 4 ang bulkan.

Pahayag ito ng opisyal kasunod ng naitalang lava flow activity mula sa summit ng crater ng bulkang Mayon, kung saan nakapagtala rin ng effusive eruption.

Gayunpaman, una nang nilinaw ng opisyal na hindi pa rin ito sapat na basehan upang iakyat na sa Alert Level 4 ang alerto ng bulkan, lalo’t mayroon pang mga parameters ang kailangan munang maabot bago itaas ang alerto nito.

“Ngayon iyong mga nakatira naman beyond the permanent danger zone which is six kilometers and still within the 8-kilometer radius from the summit of the volcano, they have to prepare kasi in case na itataas natin iyong alert level to Alert Level 4, ready na po sila to move out.” —Dr. Bacolcol.

Kung matatandaan, una nang pinalikas ang mga residenteng nakatira sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ng bulkan. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us