Mga unemployed nursing board passers, dapat mas unahin i-hire ng DOH — Kongresista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pagkokonsidera ni Bohol 3rd district Rep. Kristine Alexie Tutor sa DOH na imbes na ‘near passers’ sa nursing board exam ay mas unahing kunin ang lisensyadong mga nurse na walang trabaho.

Aniya maraming nursing board passers ang kasalukuyang walang trabaho at sila aniya dapat ang bigyang prayoridad na mabigyan ng plantilla position sa mga ospital.

Dagdag pa nito na walang nakasaad na probisyon sa Philippine Nursing Act of 2002 at PRC Modernization Act of 2000 na maaaring bigyan ng temporary license ang mga kumuha ng pagsusulit at nakakuha ng marka na 70% hanggang 74%.

“Instead of hiring “near passers,” I believe the DOH should focus on the many unemployed passers of the nursing boards by hiring them through filling up the vacant nurses items of the DOH hospitals’ plantilla…the idea of the Department of Health that temporary licenses can be issued to those who failed to pass the nursing boards but nearly passed with ratings of 70% to under 75% has no basis in either RA 9173 (Philippine Nursing Act of 2002) or RA 8981 (PRC Modernization Act of 2000).” ayon sa kinatawan

Isa naman sa maaari aniyang gawin ng DOH ay pahintulutan ang pagsasagawa ng special examinations para sa mga subject na ang nakuhang score ay mas mababa sa 60%.

Sa paraan aniyang ito, matitiyak na nakapasa talaga ang nursing graduate.

Maaari din aniya gumawa ng panukalang batas kung saan magkakaroon ng bagong kategoriya ng nurse practitioner at nurse assistants. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us