Mga urban poor sa lalawigan, planong bigyan ng proyektong pabahay ng PCUP — DHSUD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na bumuo ng isang panukalang proyekto na maaari nilang ipatupad sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.

Ginawa ni Secretary Acuzar ang apela kasunod ng intensyon ng PCUP na planong tulungan ang mga urban poor partikular sa Zamboanga, Bacolod at Iloilo City.

Kahapon, nakipagpulong na si PCUP Undersecretary Elpidio Jordan Jr. sa kalihim ng DHSUD at inalam na ang tungkol sa naturang flagship program ng pamahalaan.

Layon ng PCUP na magbigay ng access sa disente at abot-kayang pabahay para sa mga maralitang tagalungsod.

Ang PCUP ay nagsisilbing direktang ugnayan sa pagitan ng mga maralitang tagalungsod at ng gobyerno, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa pagbabalangkas ng patakaran, at pagpapatupad ng programa para matugunan ang mga pangangailangan ng sektor. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us