Migrant workers, prayoridad na mabigyan ng license card ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bibigyang prayoridad para sa natitiring 53,000 na license card ang mga Pilipinong magtatrabaho sa ibang bansa, bilang driver.

Sa briefing ng Laging Handa, ipinaliwanag ni Land Transportation Office (LTO) Officer in Charge Hector Villacorta na sa ganitong paraan, hindi papel ang ipiprisinta ng mga ito sa kanilang foreign employers, at maiiwasang makwestyon ang kanilang driver’s license.

“The best way is to give it to those about to depart na OFWs. Baka hindi tanggapin ng Saudi o Middle East o kung saan man iyong papel; pupunta sila abroad para magtrabaho pero iyong lisensiya baka hindi paniwalaan. So, we are talking to our regional directors na ang i-priority will be those travelling as drivers ang occupation.” — Villacorta

Para naman sa mga nandito sa Pilipinas, ang LTO aniya ay makikipag-ugnayan na sa Philippine National Police (PNP) upang kilalanin muna ang expired na lisensya ng mga driver, hanggang ika-31 ng Oktubre.

“Iyong iba naman kasi na nasa Pilipinas, we are going to tell the police officers to recognize the expired license cards up to October 31.” — Villacorta

Pagtitiyak ni Villacorta, sila sa LTO, tinututukan na ang gagawing hakbang upang matugunan ang kakulangan sa card license at plaka ng motor vehicles. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us