Inihayag ng Department of Health DOH na umaabot na sa mahigit pitong milyong Pilipino ang may chronic kidney disease o CKD.
Ayon kay Dr. Vimar Luz, Treasurer ng Philippine Society of Nephrology at Head ng Stop CKD campaign, na isang Pilipino ang tinatamaan ng nasabing sakit kada oras.
Batay sa pag-aaral ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), nakita na tumataas din ang bilang ng mga taong nangangailangan ng dialysis.
Sinabi pa ni Dr. Luz, diabetes at hypertension ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit nasisira ang kidney o bato ng tao.
Ang kidney disease aniya ay nasa top 10 na sakit na maaaring ikamatay ng isang pasyente.
Dagdag pa ni Dr. Luz, kalimitan ay walang sintomas ang mga early kidney disease.
Maaaring malaman aniya kung pumapalya na ang bato sa pamamagitan ng labotaroty test, kung saan aalamin ang lebel ng serum creatinine at kung mababa ang glomerular filtration rate o EGFR, o kung maayos pang nasasala ng kidney ang waste products sa katawan. | ulat ni Lorenz Tanjoco