Minda at Pagadian Chamber of Commerce, naghahanda para sa gaganaping Mindanao Business Conference 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtipon ang mga opisyal ng Mindanao Development Authority (MinDA) at ng Pagadian-Zamboanga del Sur Chamber of Commerce Industry Foundation, Inc. (PZCCIFI) para sa gaganaping 32nd Mindanao Business Conference o MinBizCon 2023 ngayong buwan ng Hulyo.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Area Management Office for Western Mindanao ng Pagadian-Zamboanga del Sur Chamber of Commerce sa lungsod ng Pagadian.

Mariing tinalakay sa nasabing pagtitipon ang konsepto at ang proseso sa pagsasagawa ng policy rounds and schedules, program flow, venue, paksa ng MinDA hinggil sa energy development, at MinDA budget commitment.

Napag-alaman na ang MinBizCon ay gaganapin ngayong Hulyo 19–21 ngayong taon sa Pagadian City.

Ang MinBizCon ay isang magandang pagkakataon para sa Pagadian Chamber of Commerce at MinDA na maisulong ang kanilang natatanging hangarin para sa “borderless business” sa Mindanao.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us