Mindanao solon, suportado ang planong pagtanggap ng Pilipinas ng Afghan refugees

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang planong pagtanggap ng bansa ng mga Afghan refugee.

Aniya, likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahabagin at mapagkalinga sa kapwa.

Sakaling matuloy ang plano, may sapat naman aniyang refugee center sa bansa na maaaring magsilbing temporary shelter ng Afghan refugees.

Maaari din naman limitahan ang mga refugee na ating tatanggapin.

“We are a compassionate nation. We are a caring people who will always receive refugees for humanitarian reasons. We can limit the number, but let us host Afghans fleeing the war in their country and their cruel Taliban leaders,” saad ni Rodriguez.

Ayon pa kay Rodriguez, hindi na bago ang pagbubukas ng pintuan ng Pilipinas para sa kanila.

Katunayan noong 2021, mismong si dating DFA Sec. Teodoro Locsin Jr. ang nagsabi na ilang kababaihan at kabataan na tumakas mula Afghanistan ang tinanggap ng bansa.

Sa ngayon ay hindi pa inaaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naturang plano.

Ngunit umaasa ang kongresista na susundan ni PBBM ang yapak ng kaniyang ama.

Noon kasing panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay tinanggap ng Pilipinas ang libong ‘boat people’ ng South Vietnam.

“I am sure President Bongbong Marcos would follow the example and good deeds of his father,” dagdag pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us