Minority Leader Libanan, kinilala si dating Sen. Biazon bilang ‘true Filipino patriot’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni House Minority Leader Marcelino Libanan si dating Senator Rodolfo Biazon bilang isang tunay na ‘Filipino patriot’.

Ayon kay Libanan, bagamat nakalulungkot ang pagpanaw ng dating senador ay malaki naman ang pasasalamat nito sa inilaan niyang serbisyo sa bansa.

Matapang at laging aniyang handa si Biazon na suportahan at protektahan ang ating kalayaan at karapatan bilang isang bansa.

Karangalan din aniya na makatrabaho ang isang ‘humble servant’ sa Kamara.

Nagkasama ang dalawa noong 11th at 12th Congress noong katawanin ni Libanan ang Eastern Samar habang Muntinlupa naman ang kay Biazon.

“The Philippines has lost a true patriot and a humble servant in Senator Biazon. While our hearts are heavy with sadness, we are grateful for Senator Biazon’s years of devoted service to country,” ani Libanan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us